Bunga ng Online Class makalipas ang isang taon

 Ika nga ng ating mga magulang at paulit ulit na sinasabi sa atin na tayo’y mag – aral ng mabuti para sa ikakaganda ng ating mga buhay pagdating ng araw. Tunay ngang ang edukasyon ang isa sa mga susi para tayo ay magtagumpay sa buhay. Tama ang ating mga magulang na hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ang pribilehiyong edukasyon na ibinigay sa atin. Ngunit pano na lamang kung ang edukasyon ang isa sa mga nagbibigay ng hirap sa atin sa sitwasyon ngayon? Ito ang nais kong talakayin kung ano ang naging bunga ng pagpapatupad ng online classes sa ating bansa sa panahon ng pandemya.

    Isang taon ang makalipas mula ng ipatupad ang total lockdown sa iba’t – ibang bahagi ng ating bansa. Dahil dito hindi na pinapasok ang mga estudyante sa bawat paaralan para kaligtasan ng mga estudyante. Maraming paaralan ang hindi handa sa pagdating ng pandemya. Dahil dito, maraming paaralan ang nakaranas ng kakulangan sa mapagkukunan ng kagamitan lalo na sa mga pampublikong paaralan. Isa pang naging bunga nito ay ang pagbaba ng mga estudyanteng pumapasok sa eskwelahan dahil nga sa naging epekto ng pandemya sa ating mga kababayan. Hindi naging madali sa mga paaralan at maging sa estudyante ang online class dahil napakaraming balakid na pwedeng makaapekto sa mga estudyante kapag ang mga ito’y pumapasok hindi tulad sa eskwelahan na naka pokus ang mga estudyante sa loob ng silid – aralan. Isa pa masama na ang mga estudyante at guro ay nakababad sa kanilang mga kagamitan pang teknolohiya sa loob ng mahabang oras dahil may epekto na ito sa kanilang kalusugan.

    Marahil na nanibago tayo sa pangyayaring ito na dumating sa atin ngunit hindi natin namamalayan na habang tumatagal ay niyayakap na natin ang katotohanang naging normal na ang ganitong uri ng edukasyon sa atin ngayong panahon ng pandemya. Hindi naging madali ngunit ating tinitiis dahil sa bunga na ating aanahin dahil sa edukasyon. Atin na lamang tingnan ang positbong pananaw na ang online class ay isa sa mga instrumento o naging tulay para maipagpatuloy ang ating pag – aaral at ang edukasyon sa ating bansa. Kung tayo man ay nahihirapan ngayon pagdating dito, ating isipin na ang lahat ng paghihirap ay may katumbas na tagumpay rin sa huli. 












Dollanganger, C. (2020, December 22). Philippines: The rich and POOR divide in distance learning. Retrieved March 25, 2021, from https://international.thenewslens.com/article/142537

Kristine Daguno-Bersamina, J. (2020, July 09). Life after Lockdown: How schools and classes will be like in the Philippines. Retrieved March 25, 2021, from https://www.philstar.com/headlines/2020/05/29/2013427/life-after-lockdown-massive-shift-online-learning-mounts-digital-gap-between-rich-and-poor-widens

/* custom css */.tdi_72_2cc{ display: inline-block; }.tdi_72_2cc .tdb-author-name-wrap{ align-items: baseline; }.tdi_72_2cc .avatar{ width: 20px; hei, Saludes, M., LiCAS News - March 25, -, L., Jun Aguirre - March 25, & -, J. (2020, August 17). Philippine private schools to start online classes this MONTH: Catholic News Philippines: LICAS.NEWS PHILIPPINES: Licas News. Retrieved March 25, 2021, from https://philippines.licas.news/2020/08/17/philippine-private-schools-to-start-online-classes-this-month/


Comments